Post ko na'to baka makatulog pa ako.
Una sa lahat, wala akong material gift for u. Kaya magme-message nalang. Papatranslate ko nalang to next year. So eto na.
1. Gusto ko maging masaya ka. Sana sa lahat ng mga naging at magiging desisyon mo ay ayun sa kasiyahan mo. Gawin mo ang mga bagay na makapagpapasaya sayo AT makakabuti sayo. Kahit kung sakali labag sa fans mo. Marami kanang ginawa para sa mga fans mo. Kaya choose happiness.
2. Alagaan mo katawan mo. Be healthy. Alam namin favorite mo ang cola pero bawasan mo ng konti yan kase masama yan sa katawan. Oo, totoo. Tsaka, okay lng magpapayat basta sakto at healthy parin ang kinakain mo. Kung kelangan pumayat for health reasons, ako no. 1 supporter mo. Wag mong pilitin kumain ng marami sa harap ng camera para lng mapasaya kami. Unahin mo yung gusto mo. Di narin kita pipilitin magpataba kung ayaw mo. Wag mo kaming pansinin. Hayaan mo kami magpakapraning. Charot only.
3. Alagaan mo din ang mental health mo. Sa industriya na pinasukan mo, feeling ko nakakastress yan. Nakikita ka naming masaya palagi pero baka sa kaloob-looban, may dinadala ka pala. Kaya di kami sure. Gusto kong sabihin na pag may problema ka at sobrang bigat na, ilabas mo yan sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Sa ate mo,sa parents mo, sa friends mo. Kung di mo kaya, punta ka sa psychologist. Sana alam mo na walang masama sa pagpunta sa psychologist. Okay lng i-solo ang mga problema pero minsan magandang ilabas yan. Para mabawasan ang bigat. Sana okay ka lang ngayon.
4. Alam mo, proud na proud ako sayo.. as a person & as an artist. Malaki ang ipinagbago mo. Tsundere ka nga raw sabi nila. Atleast yan ang pagkakaalam namin. Pero sabi naman ng btob, nag-improve ka nga raw. Mabuti yan. Pagpatuloy mo yan. Masayang-masaya ako sa mga narating mo ngayon. Deserved mo yan kasi alam naming pinaghirapan mo lahat ng yan. Ikaw ang isa sa mga pinakatalented, pinakahardworking at pinakapursigido na tao na alam ko. Congrats sa solo album mo. Alam naming matagal mo ng gusto yan. Tsaka, congrats din sa mga naproduce mo, sa mga featurings mo. Napakagaling. Ngayon, DJ kana. Naks. Patuloy mo yan. Pang gucci mo din yan.
5. Salamat sa pagpapasaya sa’min. Masyado mo kaming binubusog sa mga updates mo. Pero gusto mo turuan ka namin mag IG live? Beke leng nemen. Joke lng. Pero seryoso, wag masyadong magoverwork. Pahinga ka. Travel ka with your friends or family pag may oras ka. Diba mahilig ka magtravel? Sana magkatime ka.
6. Salamat sa words of wisdom mo. Minsan ka lang magsalita ng matino sa harap ng camera pero tagos din naman. May substance talaga at mafifeel namin yung sincerity. Salamat sa pagreremind sa amin na maging mayaman. BE RICH. Sakto yan. Sa buhay ngayon, ang hirap pag walang pera. Mataas nga ang inflation rate sa amin ngayon. Haha. Sana maishare mo pa yang knowledge mo sa amin at sa ibang tao. Saludo ako sa talino mo. Kaya lang wag kang padalos-dalos. Ang addition, di yan minumultiply. Oops.
7. Support kita palagi at mahal na mahal kita bilang isang fan kahit madalas binubully kita. Mana lang kami sayo. Bully ka din kaya. Pero marami rin naman akong appreciation posts sayo. Eh kaso di mo alam ang password mo sa twitter mo. Di mo mababasa. Paretrieve mo kaya. Yung prof pic mo panis na. Oops. Pero bakit feeling ko alam mo naman.. ayaw mo lng talaga magtwitter. Balakajan. Kung saan ka masaya, support parin kita.
8. Pag gusto mo ng kausap, usap tayo in english. GUSTO MO YAN. Excuse me, may I have some watuh? Every car has four wheels. Diz wazzup. Subscreeebers. Dis dis dis is so delisyus. Dis so good.
9. At dahil umabot na ng 500 words, PENGE PERA. 😀
No comments:
Post a Comment